99th Baguio Charter Day Anniversary Issue
     
Supplements
99 thoughts on Baguio's Centennial
Esther someone else like her?
A tribute to those who care for Baguio
A pasture of hope:
Good Shepherd Convent
Through the barriers of silence & isolation
They're loved because they care
The man called morris
Teacher volunteers:
Pathways to Higher Education
My best teacher
Indigenous women and a cooperative
Two Baguio families are local visionaries
Top 10 reasons why getting a Baguio education is worth it
Conversations with Gaia
Winning Photos
99th Baguio Charter Day Cartoon
 
Amonth ago, we asked our readers to come up with stories, photos, and cartoons that bring to light the Baguio centennial theme of “Fostering a Culture of Caring.”

They responded well with close to two hundred entries, 25 of which are being published here today.

The feature story entries ranged from those who wrote about their families and how they helped shape Baguio; the people they admire – officials in government or their favorite educators; and their organizations – from the grassroots to those that have gained international recognition.

Some wrote about themselves as modestly caring Baguio individuals, while others wrote of their realization that what they considered as work all these years was greater than work – it was service beyond self, touching hundreds of lives in the process.

Without any words, the centennial theme was also captured through the pen of our youthful artists. In their cartoons, our young citizens depicted themselves as part of the historic celebration and as the hope of the city.

As for the winning photos, they relate individually to the viewer, conveying the beauty of the city and her caring culture as a time-honored way of life.

In the process of publishing this supplement, we ourselves witnessed and, in many ways, experienced the small but astonishing ways how Baguio folk do ‘foster a culture of caring.’

It is hoped that unity and cooperation, last brought to fore when our beloved city struggled to recover from the devastating 1990 killer quake, will be manifested anew – where all will pull together for the success of the 100th year anniversary of our beloved Baguio, the city we all call home.

We are grateful to all – the writers, the photojournalists, the cartoonists, and our valued advertisers – who participated and became part of this special supplement. It is hoped that this supplement will help rouse awareness and excite community involvement in the lead up to our city’s centennial celebrations next year.
Mabuhay Baguio!
 

Question: Do you think the city is prepared to celebrate its Centennial?

Ø Hindi, kasi road construction pa lang sa Session Road hindi pa masyadong maayos so sana kahit yung mga ganung simpleng bagay naasikaso. – Nancy Binoya

Ø Why not, since Sept. 1 is Baguio Day, that span of time is already enough. I believe yung renovation ng Session Road is not the only project that the government has for Baguio. – Alain Boquiren

Ø Hindi,cramming ang ginagawa nila ngayon. Yung nakikita lang ng tao ang inuuna. Dapat yung long term renovation ang inuuna nila tulad ng mga sidewalk sa gilid ng Burnham. – Jose Joaquin

Ø Hindi ko alam. Kasi parang wala naman po akong nakikitang pagbabago eh. – Victor Generoso

Ø Siguro handa na kasi napalitan na yung mga street lights dito sa Burnham pero parang hindi pa din kasi yung mga basura natin hindi pa natin alam kung saan talaga ilalagay. – J-cob Nayosan

Ø Sa tingin ko hindi pa kasi dati rati yung mga halaman dito sa Burnham e buwan-buwan pinapalitan. Ngayon parang hindi na pinapansin, yung ginagawa sa Session Road sana sa iba na lang inilagay yung pondo. – E. Potennec

Ø Sa tingin ko po parang alanganin pa kasi marami pang dapat asikasuhin tulad ng basura natin – R. Bulatao

Ø Oo naman prepared na yun. Kasi one hundred years na yung centennial di ba? Tingin ko din may preparation sila kasi lagi ako dito sa Session Road at nakikita ko yung preparation – Ara Ancheta

Ø Parang hindi pa din prepared kasi wala akong nakikitang mga pagbabago. Halos ganoon pa din naman. – Gladys Castisimo

Ø Hindi, kasi hindi na efficient ang preventive ways ng city sa pagle-lessen ng pollution, etc. – Stephanie Savellano

Ø Hindi pa dahil ang dami dami pang road construction which cause heavy traffic and chaos when a big celebration like that would happen. – Mary Asio

Ø Hindi pa kasi wala namang mga advertisements at walang sapat na dissemination of information. – Rosh Bautista

Ø Hindi pa kasi madami pang problems tulad ng patuloy na pagtaas ng tuition. – Michelle Santos

Ø Hindi. Hindi po kasi ako aware na malapit na pala ang centennial ng Baguio. – Wilmar Heide Acob

Ø Hindi, kasi may problema pa sa basura, centennial pa kaya? – Karla Dioquino

Ø Feel ko yes… kasi nakikita naman yung renovation sa Session Road. Tsaka economic- and tourism-wise, ‘check’ naman ang Baguio. – Yvette Barrientos

Ø Hindi pa ready kung may pinuproblema pa tulad ng basura. Dapat ma-solve muna mga problema ng Baguio para authentic ang pagiging clean and green! Obvious naman na nakikita ang problema, sana maayos agad (kasi) parang basura festival na e. – Stephanie Bugayong

Ø Hindi pa kasi hindi pa tapos ang Session Road. Yung Burnham na sinasabi nilang ire-renovate nila hindi pa din tapos. Pati problema sa basura present na present. – Yumi Panelo

Ø Hindi pa siguro kasi malaki pa ang problema sa basura.
– Mary Grace Nacu

Ø I think hindi pa kasi yung sa basura parang hindi naman nare-regulate yung segregation ng wastes pati yung paghahakot din po.
– Eugenice Bautista

Ø Maaari naman na handa na ang Baguio sa centennial. Hindi naman siguro hahayaan ng mga nasa City Hall na hindi paghandaan ang centennial. – Imelda Servio

Ø Hindi po ako sigurado e. Centennial na ba? Siguro po handa na po sila. Ako? Siguro, paghahandaan din po siguro. – Marlon Bahit

Ø Hindi pa yata eh kasi parang hindi din maharap ng mga tao na asikasuhin sa dami ba naman ng problema gaya ng basura tapos yung mga bilihin tumataas pa. – Alex Lamsen

Ø Palagay ko handa na ang Baguio sa centennial. Ang importante naman dyan ay kahit hindi masyadong magarbo basta lahat ng tao e magkaisa para mapaganda pa lalo ang Baguio. – Roselynn Lopez

Ø Sa tingin ko baka kulang pa yung oras para paghandaan nila yung centennial. Baka hindi pa tayo handa para dyan… – Joan Naval

Ø Sa totoo lang wala akong masabi kasi hindi ko naman napapansin yung mga bagay na yan. Wala akong nababalitaan na naghahanda ang Baguio e. Yung renovation sa Session? Napansin ko yun pero akala ko hindi siya para sa centennial. – N. Sunga

Ø Siguro po handa na ang Baguio. Medyo active naman po yata ang gobyerno ng Baguio sa kanilang trabaho e. Tingnan na lang natin siguro kung anong mangyayari. – Carlos Orense

Ø Yes, as far as I know, the government is already working on it.
I’m sure that the officials of the city will not take the centennial celebration for granted.
– Lourdes Albano

Ø I think the government of Baguio is cramming now. Halata naman kasi na yung renovation ng Session Road e minadali. Sana dapat noon pa nila sinimulan yun kung ang intention nila e paabutin yun sa centennial celebration. – Mitos Lalas

Ø Hindi ko alam e, pero sa palagay ko hindi pa kasi wala naman kaming nababalitaan na paghahanda. – Sheila Paragas

Ø Parang hindi pa. Oo hindi pa kasi hindi ko nakikita ang ginagawang paghahanda kung meron man. – Alma Rabago

Ø Hindi pa. Kasi ang dami pang isyung dapat ayusin kasi mawawalan ng kredibilidad yung gobyerno natin kapag hindi muna maaayos yung mga dapat ayusin. – Marie Cayabyab

Ø Yata. Andami po kasing inaayos ngayon e, tulad ng Session Road tapos yung building dito (lower Session Road). – T. Solmelin

Question: What is one thing that you would like Baguio to achieve by the time we celebrate her centennial in September 2009?

Ø Kaayusan at katahimikan para sa buong lungsod. Mukhang mahirap itong ma-achieve pero magiging madali lang kung lahat ng mamamayan ng Baguio ay magkakaroon ng disiplina sa sarili. Dahil sa disiplina nagsisimula ang lahat. – Katherine Hipol

Ø I think Baguio should live up to its name as the cleanest and greenest city in the Philippines because as we know there is a serious garbage problem so by that time we’ll be able to solve the garbage problem so Baguio can still be one of the top tourist destinations in the Philippines. – Hasmin Masri

Ø I would like Baguio to become the cleanest and greenest city of the Philippines again. – Mike Ang

Ø Maayos na pag-dispose ng basura. Maging malinis ang Baguio.
– Jhenny Castillano

Ø [Maging] mas malinis pa, kasi ngayon ang Baguio parang mas nagiging marumi na ’di tulad ng dati. Kung ikukumpara sa Manila, mas malinis na ang Manila ngayon kahit na polluted ang air. Dapat mas malinis ang Baguio kasi mas mataas na lugar ito at green kasi puno ng trees. – May NDL

Ø Maging mas maayos na ang kapayapaan kasi nga minsan nagkakagulo dito sa Baguio tungkol sa basura. Sana maayos na para sa ikagaganda ng kapaligiran. – Delia Suba

Ø Dapat maging totally malinis na ang Baguio.
– Brgy. Capt. Adelaida Espenilla

Ø To organize the people in the business sector, even the young professionals and the working people to be united to address the needs of Baguio City especially [those of] the out-of-school youths para maging balanse ang paglipad ng Baguio. Magkakaroon ng magandang achievement ang Baguio nitong taon at sa darating na taon basta wala tayong self-interest at hidden agenda. Let us focus on “aim high and serve for the glory of Baguio City.” – Gerry Magday

Ø Solution for proper disposal of garbage: More IECs per barangay, iyon ang pinaka-immediate na kailangan natin for now. Nagkakaroon kasi ng self-interest ang mga tao. Kailangang i-set aside ang self-interest ng bawat isa and focus the goal sa iisang problem and that is garbage disposal. – Kgd. Riza Oblas

Ø Kapayapaan. Hindi nagkakaintindihan ang mga namumuno sa atin. Kailangan magkaisa sila para sa pagkakaisa ng ating lugar.
– Kgd. Rosemarie Relucio

Ø I want our place to become a model place for the whole Philippines. And I would like Baguio [people] to go with all the development plans that our leaders are implementing. As Rep. Mauricio Domogan has said, “we have to care for what we have started.” – Roger Wadwachan

Ø To be totally a city na hindi lang tourism ang kini-cater kundi magkaroon din ng total economic growth wherein ang mga tao ay magiging self-reliant. And at the same time lahat ng mga naninirahan dito sa Baguio would be economically independent. Dito lahat nagpa-flock ang [mga] tao from all walks of life. I would visualize Baguio as economically uplifted or grown, self-reliant, self-sufficient, and everything. – Nona Hermogenes

Ø Makapaghanap ng talagang dump site at maturuan ang mga tao ng tamang waste segregation. Dahil nakikita ko na kulang pa ang kaalaman ng mga tao pagdating sa ganitong bagay. – Vilma Corpuz

Ø Gusto ko sanang mabawasan na ang traffic sa ating siyudad dahil minsan dito nagsisimula ang mga kaguluhan at kriminalidad tulad ng paglipana ng mga snatchers. – Marie Jairym Hipol

Ø Gusto kong ma-achieve ng Baguio ay leadership, siyempre pinamumunuan ito ng mayor. Kasi nakikita ko walang nangyayari, konti lang. Maraming nangangailangan ng totoong leadership.
– Steven Garcia

Ø Una iyong problema natin ngayon, iyong trash. Work para sa mga
walang trabaho.
– Sarah Ibuan

Ø Mabawasan ang basura. Mabawasan ang OSY at malnourished na mga bata, at mga indigent families sa Baguio City. – Julieta Abuan

Ø I would like Baguio to be isang Baguiong nagkakaisa ang mga mamamayan tungo sa maganda, maaliwalas, at malinis na kapaligiran, at isang Baguiong tahimik at maunlad. – Kgd. Edita Ibarra

Ø Ang pinaka-problema natin ngayon ay sa waste natin, iyon ang pinaka-importanteng ma-[solve]... Kasi kapag wala na iyon parang successful na rin ang Baguio. – Editha Colas

Ø I would like Baguio to celebrate garbage free. – R. Hipol

Ø Gusto kong mabawasan ang tao sa Baguio. – R. Mendigo

Ø The City Hall should work on the peace here in Baguio especially now that napaka-apparent ng mga gang war among high school students. [These students] should be very much guided on how they are behaving because they would eventually carry the name and legacy of Baguio. They would be the future of Baguio, that’s why they should be guided in terms of how they socialize with other people and how they deal with conflicts with other people.– J. Garcia

Ø I think dapat i-change at dapat i-motivate ang mga tao to improve their attitude. Tulad ng pagkakaroon ng seminar. Kung hindi nila i-chi-change ang perspective ng mga tao tungkol sa Baguio hindi makakagawa ang Baguio ng isang project or something na magche-change dito.
– Monica Escala

Ø Maagapan ang mga problema ng Baguio. – Mark Pidaoc

Ø Sana mas maging maayos ang pamumuno mas lalo na sa basura, ’di ba hindi mo naman pwedeng iwanan ’yan tapos mamumuno ka? Paano na lang ’pag may calamity? Sana ayusin naman muna nila ’yong pamumuno nila bilang gift na lang nila sa centennial ng Baguio in September 2009. – Peter Boado

Ø Cleanliness regarding doon sa waste disposal dito sa city para ma-encourage ang ibang mga tourists para pumunta dito to build other businesses para may iba pang opportunities ang mga tao for their livelihood. – Kristine Gacer

Ø Maging one lang ang mga tao. Kalimutan muna iyong problema sa government. Mag-celebrate as one ang mga tao. – Timothy Exconde

Ø Maging peaceful and clean ang Baguio. – Kgd. Andrea Gayo

Ø Actually na-[solve] na natin iyong problema natin sa basura noon kaso bumaba tayo. Gusto ko pong maibalik iyong dating Summer Capital, not Basura Capital na sinasabi nila. – Ivy Marie Verceles

Ø I-improve ang tourism. I-develop kung ano ang nagawa sa Baguio. Problem din natin ang tungkol sa mga plants and trees. Marami kasing nagpaplano na tanggalin ang mga trees para i-develop at patayuan ito ng mga establishments. Para kay mayor, sana intindihin na lang niya kung ano na ang Baguio. – Rodel Alamo

Ø Dumami ang mga tourists. Sa Green Valley konti ang pumupunta. Ang mga Koreans ang bumubuhay sa Green Valley. Lumiit sana ang population kasi dumarami ang basura. – Hermes Peter Bugaoan

Ø Mga gang wars at mga frats kung pwede maalis dito sa Baguio.
– Rhea Dangatan

Ø That all its people will have one vision and mission and that is to bring back the fame and honor of the city that has been imprinted in Baguio’s name for a long time. – Marie Briyann Hipol


Question: As a citizen of Baguio,
what can you do (or plan to do) to make Baguio’s Centennial Celebration memorable?

Ø Magdadasal ako sa araw na iyon para magkaroon tayo ng pagkakaisa at nang may maipakita tayo sa ating mga sarili at sa kababayan natin na improvements tulad ng pagtutulungan at higit sa lahat, takot sa Diyos. – Adelina Estacio

Ø Aabangan ko ang parade. Manonood ako para naman makita ko ang mga pinagbago. At kung may mga exhibit silang ipapalabas, pupunta ako. – Anita Vicente

Ø Isa-sama ko at ilalabas ang pamilya ko at iba pa. – Salvador Garcia

Ø Bibisitahin ko lahat ng historical landmarks ng Baguio or mga tourist attractions kasi matagal ko na rin silang hindi napupuntahan kasi parang na-take for granted ko na maganda ang Baguio.
– Patricia Roa

Ø I want to bring back the Baguio that is a place for solace, wherein you can sleep and walk anywhere safely. I’ll live up to the ideals of our folks, because it’s now ironic that Baguio is said to be the cleanest city. I still want to bring back the old John Hay which was destroyed, although it’s impossible. I’ll stay at home. I’ll watch the celebration but I won’t mingle with the crowd. – Jay Mapalo

Ø Makikisali ako sa mga activities concerning sa day na iyon, halimbawa concerts, and other activities. – Macy Matundan

Ø Maglalakad ako paikot ng Baguio. Maglalakad talaga at hindi nakasakay para maramdaman ko ang tunay na klima ng Baguio at makita ang pagkakaiba ng noon sa ngayon kasi hindi mo na mapapansin kapag nakasakay ka. Kasi pag naglakad ka, makikita mo ang sudden change ng Baguio at maiko-compare mo siya sa noon. Pag nakasakay ka kasi, hindi mo makikita ang maliliit na details.
– Larry Laureta

Ø Gusto ko sanang ipatigil lahat ng kotse for a day kasi minsan lang ang centennial so bakit hindi na lang i-save ang city by just having a day na walang car or kahit man lang sa public places na talagang mausok. – Shalom Panes

Ø Siguro makiki-participate ako sa activities na gagawin at maging part ng history ng Baguio. – Kris Paludipan

Ø Manunood ako ng mga parada – Marites Sucalo

Ø Magiging ordinary day para sa akin ang Centennial ng Baguio kasi may trabaho ako. Kung ang iba may other activities, iba sa akin dahil magdu-duty ako. – Roger Puyao

Ø Magpapahinga lang ako kasi kung lalabas ako at manonood ng mga parada, kailangan kasi may pera ka rin at gumastos. Sa bahay lang ako at gagawin ang mga trabaho na hindi nagagawa pag school days. – Lolita Lazao

Ø Siguro magse-segregate ako ng basura kasi yun ang problema ng Baguio. – Jimmy Cayandag

Ø Gusto ko sanang mai-treat ang pamilya ko sa araw na iyon sa ibang lugar tulad ng Boracay para maiba naman sa Baguio.
– Charlie Erasmo

Ø Iikutin ko na lang ang Baguio City. – Alex Ibay

Ø Magbi-biyahe ako para may income at sana hindi traffic ang araw na iyon. – Bert Manio

Ø To be active and be aware in the events here in Baguio to help the event become successful. During the celebration, if you’re [participating], you’re showing your concern in the city so to be participative would make a big difference for the celebration. – J. Garcia

Ø Manonood ako ng parada at pagkatapos, uuwi na. – Fely Gorospe

Ø Ipapasyal ko ang aking pamilya para sa araw ng Centennial, kasama ko ang aking pamilya para mas maganda. – Nico Yabut

Ø By having my friends during elementary and high school [gather] together, maybe in our former school or a place where we used to hang out. – Art Evangelista

Ø I would go out with my family and have a date with them and eat in any restaurant here. I’ll just spend time with them. – Michael Guzon

Ø Dahil Fine Arts ako, sasali ako sa iba’t ibang contests or art painting, hindi lang para sa sarili ko na maging memorable siya at para na rin maka-influence sa ibang tao na i-consi-der ang Baguio City na maganda.

Pangalawa, sasali ako sa mga sport competitions na magpo-promote sa Baguio.
– Joshua Agpaoa

Ø I’ll try to visit the museum of Baguio kasi nandoon ang old pictures ng Baguio and I’ll just try to see kung ano ang itsura ng Baguio noon.
– Alex Tan

Ø Papasyalan ko lahat ng place sa Baguio tulad ng Camp John Hay.
– Francis Pilong Jr.

Ø Ire-request ko na sana sa Centennial na ito ay maging malinis at mapaganda ni mayor Bautista ang Baguio City. Tutulong din ako sa paglilinis. – Roger Palanan

Ø Manonood ng parade kasi mula nang magkaroon ng parade sa Baguio, hindi pa ako nakapanood, at sa Centennial celebration, manonood na ako. – Josephine Marcelo

Ø Sasabihin ko kay mayor na ang mga basura dapat malinis. – Sonny

Ø Ire-request ko na sana maibalik na ang pagkolekta ng basura kasi iyon ang number one na problema ng Baguio ngayon. Hindi kasi iyon makaka-attract ng mga turista sa Baguio kasi kung maraming turista, maraming income ang Baguio, tulad namin na nagpapa-transient.
– Josephine Nobles

Ø Tutulong ako sa paglilinis at paghahakot ng mga basura sa Baguio kung kinakailangan. – Milagros Bacani

Ø Manonood lang ako ng mga parada kasama ang mga kaibigan ko. – Mia Batiano

Ø May event sana para sa mga bata (anak) para mai-treat ko sila at nang ma-enjoy nila ang celebration. – Clifford Ekid

Ø Babasahin ko ang coffee table pamphlet na gagawin for the centennial of Baguio. – Elizabeth

Ø Sasabihin ko kay mayor na magtulong-tulong para mapabalik ang dating ganda ng City of Baguio na sinira ng mga basura.
– John Caluza

Custom Search


Home | About Us | Editorial Policy | Contact Us
News | Opinion | Snapshots | Week's Mail | Obituaries
Copyright © 2007. All Rights Reserved. baguiomidlandcourier.com.ph