July 19, 2024

Mainit na usapin pa rin ang gulo sa West Philippine Sea at ang agresibong pag-angkin ng ibang bansa sa teroritoryo ng Pilipinas sa karagatan.
Ang isyu sa WPS ay nagbibigay ng malaking hamon hindi lamang sa gobyerno kundi pati na rin sa bawat Pilipino. Ang laban sa WPS ay hindi lamang laban ni Presidente Ferdinand Marcos, Jr. o ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard.
Ito ay laban ng bawat Pilipino ngayon at sa susunod pang henerasyon.
Kami sa Nagkakaisang Samahan Para sa Kapayapaan at Kaunlaran (NSKK) ay nagbibigay-pugay sa ating mga sundalo na nagpakita ng kanilang lakas at katapatan para maprotektahan ang ating soberanya at karapatan sa WPS.
Ang mithiin ng bawat Pilipino ay maging malaya sa anumang uri ng pang-aapi. Hindi baleng masira ang mga barko at iba pang sasakyang pandagat huwag lang makuha ng dayuhan ang pagmamay-ari ng Pilipinas.
Kami ay nananawagan sa bawat Pilipino na suportahan ang kampanyang ito, dahil ito ay nagpapakita ng pagmamahal natin sa ating Inang Bayan tulad ng pagmamahal ng mga bayaning nanindigan at nakibaka para makamit natin ang payapa at Bagong Pilipinas na ating tinatamasa ngayon.
Ang WPS ay para sa mga Pilipino, ang yaman nito ay para sa mga Pilipino.
Isulong ang Bagong Pilipinas
. — CRISTINA CATBAGAN, president, NSKK