Ako po si Rosita Dela Pasion, 47 years old. Ako po ay may sakit na breast cancer stage 4 (bone). Sobrang sakit po kasi ng mga buto ko. Hirap akong bumangon dahil sa sahig ako naglalagi tuwing gabi. Gusto ko sanang magkaroon ng higaan na may foam na kahit pang-single. Hindi namin kayang bumili dahil sa kakulangan sa pera.
Tatlo po ang aking anak na puro nag-aaral sa grades 12, 9, at 5, Ang aking asawa naman ay sa konstruksyon nagtatrabaho.
Sana po ay may makapansin sa aking konting kahilingan at kami ay puntahan sa 054 Purok Sadjo, Loakan Proper. Maaari din po akong tawagan sa 0907-896-1067. Maraming salamat po. — ROSITA DELA PASION, Baguio City