July 16, 2024

Mula sa hanay ng mga nagbalik-loob sa ating pamahalaan, saludo kami sa ating mga kasundaluhan sa pagtatanggol ng ating soberanya at sa buong tapang na pagharap sa mga nagnanais sakuping angating teritoryo.
Noong Hunyo 17, nagkaroon ng pangha-
harass ang isang Chinese vessel sa ating magigiting na sundalo kung saan may nasira silang mga kagamitan at may naputulan ng daliri mula sa ating hanay.
Ito ay patunay na napakalakas ng nasyonalismo sa ating kasundaluhan.
Ipinakita nila tunay silang mga sundalo ng sambayanan na gustong mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa ating bansa. Nananalaytay sa kanila ang prinsipyong ipaglaban mula sa mga mangangahas na manakop sa ating bayan.
Sa kabila nito, isa sa nilalabanan ng
Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front ay ang pagputol ng imperyalismo sa ating bansa kung saan ito ay direktang pagkontrol ng ibang bansa sa ating bayan sa pamamagitan ng pag-agaw ng teritoryo.
Hinahamon namin ang
CPP-NPA-NDF na maglahad ng mga patunay na talagang kayo ay mapagmahal at handang ipagtanggol ang bayan.
Bagama’t maikli lang ang nais naming iparating sa aming pinagmulang organisasyon, maging hamon sana sa atin itong nangyayari sa ating bansa para magtulungan at magkaisa para sa paglaban.
Ang nangyayaring ito sa ating bansa ay hindi lamang laban ng ating kasundaluhan kundi ng bayan.
Muli, kami ay nagpapasalamat sa ating kasundaluhan sa walang pagod na pagbabantay sa ating bayan.
— JAMES BIAG, president, Balik Loob Organization of Mountain Province