February 9, 2023

Mga maling gawain ng mga jeepney driver sa Loakan

Dito sa Loakan, ayaw ng mga jeepney drivers na mag-ruta. Supposedly, may route sa Ongasan, Liwanag at may isa pang lugar.
Pero ang nangyayari, hanggang sa arc lang sila sa highway kaya lahat ng tao naglalakad mula highway patungo sa kani-kanilang mga bahay. Tapos ang singil nila sa bawat pasahero ay P20.
Pag short trip, hindi bababa sa P10.
Sana malaman ito ng mga concerned agencies kagaya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para hindi na mahirapan ang riding public.
May mga senior citizen na may maraming bitbit ang nasasalubong ko sa Loakan Airport runway na naglalakad pauwi. Kilometro din ang nilalakad nila. Paano kung wala silang pang-taxi?
Malakas ang loob ng mga driver kahit wala silang mga pasahero sapagkat buhay pa rin sila dahil nag-seservice sila ng mga empleyado ng
Moog.
Minsan walang bumibiyahe kasi nagseservice sila sa mga companies kahit walang masakyan ang mga residente.
Imagine kung nakatira ka sa access road o kaya sa Ongasan tapos umuulan. Sana po magkaroon ng sariling rota sa mga lugar na ito.
Ang gusto po kasi ng mga jeepney driver sila ang pupuntahan ng tao malapit sa airport para sumakay. Hindi sila yung hahakot sa mga tao.
Bakit po yung Aurora Hill lahat ng sulok may rota, samantalang dito pwede naman sanang ganun.
Sana din magpapasok sila ng ibang gustong mag-ruta dito. Ang dami pong residents sa
Ongasan, Loakan Liwanag at access road. — NAME WITHHELD, Baguio City

Related News