March 27, 2023

An open letter to Mayor Benjie Magalong and Col. Allen Rae Co

Ito ang pangatlo naming sulat tungkol sa lantarang pagparada ng mga pulis sa “No parking” area dito sa 32 Lamug, Middle Quezon Hill.
Kaming mga driver ay sinamahan na rin ng mga may-ari ng mga pribadong sasakyan, na sagad na ang pasensiya dahil sa obstruction. Matarik ang kalsada kaya kumukuha kami ng buwelo pag-akyat, kaya lang nabibitin kami dahil sa mga sasakyan nila.
Sa mungkahi ng isang lupong barangay, humihiling kami ng tulong sa mga mamamayan na ipaalam ito kay
Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, pati na rin sa tanggapan ni Chief Presidential Legal Counsel, Sec. Salvador Panelo, o di kaya kay Ben Tulfo para maimbestigahan kung bakit walang ginagawa ang hepe ng Traffic Enforcement Unit at kapitan ng barangay.
Ang mga naturang sasakyan ng mga pulis ay isang itim na Fortuner (ALF 83), itim na Mitsubishi (AAA 7814) at puting Toyota (TAW 852). — PEDRITO GARCIA, Baguio City

Related News