March 29, 2024

An open letter to Mayor Benjamin Magalong

Kaming mga drivers ng jeep ay nagpapatulong kay Mayor Benjamin Magalong upang matugunan ang aming hinaing patungkol sa illegal parking na gawain ng ilang miyembro ng ating kapulisan.
Simula ng nagka-quarantine, may mga pulis na lantarang nagpaparada ng kanilang sasakyan sa harap mismo ng “No parking or towing area” sa Lamug Street, Middle Quezon Hill.
Ilang beses na po naming ipinatawag sa Traffic Enforcement Unit ng Baguio City Police Office pati na rin sa sa punong barangay pero walang karampatang aksyon ang nasabing opisina o barangay official.
Sana po, pantay ang pagpapatupad sa batas, pulis man o ordinaryong mamamayan. — NAME WITHHELD, Baguio City