May 24, 2024

Nais naming ihayag ang ilang mga bahagi sa ating kasaysayan patungkol sa katotohanan sa pagbuo sa katagang “People Power” na hindi nabigyan ng kalinawan at pilit binubura sa kasaysayan.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang paggamit ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front ng katagang “people power” ay isang taktika upang pasiklabin ang anti-Marcos at anti-Martial Law na kaisipan ng mamamayan. Ito ay para palakasin ang kanilang organisasyon na salungat naman sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino.
Ang rebolusyonaryong kilusan ay lumakas noong panahong ito hindi dahil sa Martial Law kundi dahil tutol ang rebolusyonaryong kilusan sa mga inprastraktura at pag-unlad ng bansa. Nais nilang manatili sa kahirapan ang mamamayang Pilipino, pagsamantalahan ito para palakasin ang rebolusyonaryong kilusan, at gawing sandata kontra sa pag-unlad at wasakin ang demokratikong bansa.
Bagamat naitala sa kasaysayan ang konting presensya ng CPP-NDF-NPA sa naganap na People Power Revolution noong 1986, ang katunayan ay naging malaking bahagi sila sa paglason ng kaisipan ng maraming Pilipino noong panahong iyon.
Sila ang nag-udyok sa mamayang Pilipino para kalabanin ang gobyerno at patalsikin ang noo’y si Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
Ang nais ng grupo ay pabagsakin ang demokrasya at palitan ng komunistang bansa. Ngunit kahit ano’ng panlalason at pang-uuto na ginawa ng komunistang grupo na ito, nanaig pa rin ang pagmamahal ng mamayang Pilipino sa kapayapaan at demokrasya.
Kaya naman naniniwala ang Balik Loob Organization of Mountain Province (BLOMP) na sa pamamagitan ng demokrasya at pagkilos na na ayon sa Saligang Batas na siyang pinakamataas na sandigan sa katarungan, ang magiging susi sa maunlad at mapayapang bansa, at pagbabago ng lipunan, hindi ang komunista at terroristang pananaw o kaisipan.
Muli, ang People Power Revolution ay ang pagtangkang pag-agaw ng CPP-NPA-NDF sa kapangyarihan ng pangulo upang gawing komunista ang bansa.
Ang BLOMP ay taos-pusong sumusuporta sa programa ng gobyerno.
Ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang nagbigay daan sa amin at iba pang mga dating kasapi ng NPA na magbalik-loob at makipamuhay ng mapa-yapa sa komunidad. —
JAMES BIAG, BLOMP president