March 24, 2023

An open letter to BCPO Director Col. Allen Rae Co

Ito ay tungkol sa lantarang pagpaparada ng mga pulis ng kanilang mga sasakyan sa harap mismo ng “No Parking/Towing Area” dito po sa Lamug St., Middle Quezon Hill, Baguio City.
Sa kabila ng reklamo ng mga tao, tuloy pa rin ang gawain nilang pagpaparada ng black Fortuner, black Mitsubishi at white Toyota FX na napupuna ng mga dumadaan, lalo na mga bumibili sa malapit na tindahan.
Marami nang kumuha ng mga larawan sa kanilang cellphones kaya sumasamo kami kay Major Caguioa na maglagay na ng permanente na “Absolutely No Parking Anytime” na signage.
Kay Kapitan Ibarra, para walang favoritism, maglagay din po kayo ng goma/tanim sa harap ng #32 Lamug St. Middle Quezon Hill, tulad ng ginawa ninyo sa #20 at 20-A Lamug St.
Nakakalungkot na ang mga pulis ang hindi sumusunod sa batas trapiko. –– PEDRITO GARCIA, Baguio City

Related News