April 18, 2024

Maligayang KKK Day

It was on July 7, 1892, nang ipinanganak ang Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan.
The highest goal of the kapatiran was to attain kaliwanagan (enlightenment). It was their spiritual quest for liwanag that fired the revolution. It was an inner kadakilaan sa kaloob-looban ng bawat Katipunero that surfaced in the material battlefields. Ang kalaban ay ang swapang – forces suppressing our ancient hunger for enlightenment.
Buong-kalooban was a spirit throbbing in each fighter – man or woman. Despite the odds, it was lakas ng loob na humaharap sa superior weaponry. Ang sandata natin ay lakas-loob versus labas-lakas ng armas nila.
Today, 128 years later, may kabuluhan pa rin ang spiritual goals ng KKK – kahit tayo’y “independent nation” kuno!
Tuloy ang labanan upang h’wag mamatay ang katutubong lakas-loob ng ating mga ninuno tungo sa liwanag. Ang kailangan ng sambayanan ay matinding culture resistance sa global homogenization (salamat sa relihiyon ng mall consumerism at sa tsunami ng colonizing images handog ng mass media.
Palibhasa, sobrang seductive ang perfume ng kulturang material nila. ‘Pag lumipas na ang perfume, wow, bangungot pala ang lifestyle nila! Sugod mga kapatid!
By the way, recently, nag-complain ako sa ABS-CBN hearings. Halos zero na ang awareness ng kabataan sa kadakilaan ni Ka Andres Bonifacio at sa talino ni Emilio Jacinto.
Palibhasa, monopolized ang media nina Spiderman, Wonder Woman at Captain Amerika.
Salamat sa dikta ng advertising revenues sa programming ng networks, walang corporate sponsors mag-backup sa isang KKK-teleseries, ‘di ba?
Kung curious ka, here’s a link to Rappler’s report with a video of my testimony: https://www.rappler.com/entertainment/news/265826-kidlat-tahimik-abs-cbn-franchise-hearing.
And if you’re curious about my laments over the lack of sariling bayani exposure to our youth, check my Lapu-Lapu Day article in Rappler: https://www.rappler.com/life-and-style/arts-and-culture/259819-kidlat-tahimik-7th-lockdown-monday-hapi-lapulapu-day.
Anyway, happy KKK Day at belated happy Lapu-Lapu Day. — KIDLAT TAHIMIK, Baguio City