April 21, 2024

Ngayong buwan ng Marso, ang pamahalaan at ang Philippine Commission on Women (PCW) ay naglunsad ng mga aktibidad para sa mga kababaihan sa ilalim ng temang “2024 National Women’s Month: Lipunang patas sa bagong Pilipinas: Kakayahan ng kababaihan, patutunayan.”
Ilan sa mga programa para sa Buwan ng mga Kababaihan ay ang mga dayalogo na pinangungunahan ng
PCW, SM Supermalls at United Nations Women; radio plugs sa pagkilala sa karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan; Juana Says daily inspirational statements of women; #WEcanbeEquALL online campaign, at; 2024 NWM celebration digital sticker pack.
Kitang-kita naman na ang mga programa ng pamahalaan ay para sa kapakanan ng bawat Pilipino – babae man o lalaki, para makamtam ang totoong kapayapaan, kaunlaran, at pagkakapantay-pantay.
Lingid sa ating kaalaman, pilit pa ring sinisira ng mga armadong grupo at mga kaal-yadong organisasyon ang mga programang ito ng pamahalaan at pinipilit ang seksismo, patriyarka, misohinya at hindi pagkapantay-pantay ng babae sa lalaki sa ating lipunan.
Pilit pa rin nilang sinasabi na may karahasan sa komunidad, paglabag sa mga karapatan ng kababaihan at panganib sa kababaihan at mga bata.
Ngunit may nagawa na ba sila upang protektahan ang karapatan, hindi lamang ng mga kababaihan pati na rin ang mga kalalakihan?
May nagawa na ba sila upang isulong ang pagkapantay-pantay ng babae at lalaki?
Hindi politika, dahas, komunistang pag-iisip, at pag-rally ang sagot sa mga problemang ito.
Ako, bilang tagapamahala, kasama ng iba pang miyembro ng Nagkakaisang Samahan Para sa Kapayaan at Kaunlaran ay natutuwa sa mga nakalinyang programa ng pamahalaan para sa Buwan ng Kababaihan.
Makikita sa mga ito na tunay ngang isang pandaigdigang selebrasyon at pagkilala sa karapatan, hindi lamang ng mga kababaihan kundi pati na rin ng mga kalalakihan. Tunay ngang pantay ang lahat sa Bagong Lipunan ng ating mahal na Presidente.
Sana ay huwag tayong mabulag sa kasinungalingan ng mga armadong grupo at kaal-yadong organisasyon kundi ay suportahan ang pamahalaan tungo sa kapayapaan, kaunlaran, at pagkapantay-pantay. —
CRISTINA CATBAGAN, chairperson, Nagkakaisang Samahan Para sa Kapayaan at Kaunlaran