February 27, 2024

Ako si Eneria Villaruz, breast cancer patient simula noong 2017.
Naoperahan ako ng libre sa Hospital of the Sacred Heart-SLU noong 2010 dahil sa stage 3 cancer.
Lumala ang aking karamdaman noong 2012 dahil sa pagpupumilit kong magtrabaho dahil sa kahirapan sa buhay. Nakakabili lang ako ng gamot kung may nagmagandang-loob na mag-abot ng pera. Kadalasan, mga halaman ang aking iniinum, niluluto, at inuulam.
Hiwalay ako sa asawa at iisa ang anak na may pamilya na rin. Nakikitira ako sa aking kapatid.
October 2018 nang nalaman ko na stage 4 na pala ang sakit ko na kumakalat na sa kanang baga. Sinabihan ako nag mag-chemotherapy pero hindi ko kaya ang gastusin sa chemotherapy.
Ako rin po nangangarap sa may mabubuting loob na matulungan na makakuha ng isang washing machine para sa aking hanapbuhay dahil hirap ako sa sitwasyon ko dahil sa sugat sa aking suso.
Bumibili ako ng wagwag sa palengke na pangtakip ko sa sugat dahil walang pambili ng underpads.
Maraming salamat po. — ENERIA VILLARUZ, 224 Teacher’s Camp-Cabinet Hill, Baguio City