February 27, 2024

Mahal kong mga kaibigan na nagbabasa ng Baguio Midland Courier, o saan mang pook na mararating ng liham ko, ako po si Basiledes C. Flores mula sa Davao City.
Lumaki po akong walang magulang. Hinahanap ko pa rin ang kalinga ng isang nanay. Sabi nila patay na siya ng ako’y limang taon gulang.
Napadpad po ako sa iba’t-ibang lugar para lang maibsan ang kahirapan at para kumita para sa pang araw-araw na pangangailangan ko at ng ng apat kong anak. Iniwan po ako ng ama ng aking mga anak.
Kahit anong trabaho pinasukan ko mabuhay ko lang po ang apat na anak. Sa ngayon, nagbabasura at taga-walis ng po ako ng
Baguio City. Mahigit 30 years na po ako dito sa Baguio at palipat-lipat ng tirahan dahil minsan po hindi naming kayang mangupahan. Dito na rin lumaki at nagkaroon ng pamilya ang aking mga anak.
Dumaan kami sa matitinding pagsubok. Ang bunso kong anak ay mabaril noong 19 years old siya. Ilang taon din siyang nakahiga at ang kanyang mga kamay at ulo lang ang kanyang naigagalaw.
Sumunod pa ang pangalawang anak ko na na nawalan ng dalawang paa dahil sa
heart enlargement. Halos mabaliw ako sa mga pangyayari, hindi ko alam kung sino malalapitan. Labas-pasok ng BGH at ginawa ko nang bahay ang ilalim ng kama ng ospital.
Nagpapasalamat ako sa Diyos at pina-kilala sa akin at sa mga anak ko ang yumaong si
Ramon “Mondax” Dacawi na siya tumulong noon sa kalagayan ng mga anak ko at sa sampung kasamahan niya sa opisina at sa DSWD. Nabigla ako nalaman ko ang sa paglisan niya na di kami nagkita upang pasasalamatan sa lahat. At ang bunso ko’y pumanaw noong 2016, at sumunod naman ang kanyang kapatid na babae. Wala na po akong inalagaan na mga anak.
Nalaman ko noong 2010 na may sakit ako sa puso at
hypertension sa edad na 65.
Sa ngayon, hindi ko po kayang huminga ng normal at humihinto ang pintig ng puso. Ayon sa doktor na sumuri sa akin, puwede akong ma-paralyze.
Sana po ay matulungan akong makabili ng oxygen sa halagang P5,500.
Ako rin po ay nangangarap na magkaroon ng munting kubo sa malapit sa amin para hindi kami mabasa ng aking apo at para hindi kami mahirapan sa buwanang upa.
Sa mga nagmamagandang loob, maraming salamat po sa inyo.
— BASILEDES FLORES, Purok 5, Bakakeng Central, Baguio City