June 21, 2024

Aksyon mula kay Baguio City mayor hiling ng mga residente

Nais naming ipaalam kay Mayor Benjamin Magalong ang aming pagkadismaya at pagkabahala sa lantarang pagparada sa tow-away zone ng mga bisita ng transient house sa No. 32 Lamug, Middle Quezon Hill, Baguio City, na dahilan ng matinding traffic.
Ilang beses na pong sinabihan ng mga kagawad ang may-ari. Ang masakit po ay dumaraan lang naman ang mga
police car.
Wala rin pong sumasagot sa mga tawag namin sa
Traffic Enforcement Unit ng Baguio City Police Office.
Sana po mapatawan ng parusa ang may-ari ng transient house para magtanda at para na rin sa kaligtasan at kapakanan naming lahat, lalo na ng mga anak namin na pumapasok sa paaralan. —
NAME WITHHELD, Baguio City