April 17, 2024

Sa nagdaang mga araw ay sunod-sunod ang mga palabas ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police hinggil sa mga pekeng surrenderees na di umano ay mga NPA at milisyang bayan. Na kung hindi man CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit, Civilian Armed Forces Geographical Unit) ay mga sibilyang sinindak o hinuli ng sa ganoon ay pasurenderin at pagkakitaan ng AFP-PNP sa pamamagitan ng programang E-Clip na nakapaloob sa Oplan Kapanatagan.
Nito lamang Oct. 23, dahil sa isang palpak na operasyon laban sa isang Ka Wansi ay pinagtakpan ng 51st DRC ang kanilang pagnanakaw at panghahalughog sa mga kubo ng mga taga-barangay Apatan, Pinukpuk, Kalinga. Ninakaw nila ang isang bag na naglalaman ng pera at iba pang kagamitan sa kubo ng masa. Pinangalandakan nilang may mga armas daw silang nasamsam. Ito ay paglabag sa sarili nilang konstitusyon at sa
CARHRIHL (Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law).
Tulad nang pagre-recycle sa iligal na droga, mahilig din silang mag-recycle ng mga surenderees. Gaya ng sinasabing Ka Diwa at Ka Aktor. Si Ka Diwa ay may kinahaharap na kaso. At si Ka Aktor naman ay matagal nang nakakulong sa Bureau of Jail Management and Penology-Tabuk ngunit pinalabas nitong Oktubre upang pagpyestahan ng midya at ibinalik din sa kulungan. Mayroon ding apat na sibilyan na pinasurender noong Oct. 22 sa Balbalan.
Maraming kaso ng “pagpapasurender” ang ginagawa ng
AFP-PNP. Kinukuha ng Peace and Development Teams ang atendans sa iba’t ibang mga pulong-masa at census sa mga pamayanan. Masahol pa ay ang kasalukuyang ginagawa nilang paglilista at pagpapasurrender sa mga mamamayan na tumindig at lumaban sa mga mapanirang negosyo ng kapitalista at iba pang pagkilos ng masa mula pa sa panahon ng rehimeng U.S.-Marcos hanggang sa kasalukuyang rehimen ng U.S.-Duterte.
Ginigipit at tinatakot ang mga lider ng mga organisasyon at masa sa baryo upang sumuko dahil sila raw ay mga taga-suporta ng rebolusyunaryong kilusan. Sa katotohanan, desperado ang AFP-PNP na makapagpasuko ng mas marami pang bilang ng masa upang sa gayon ay makakuha ng merito ang kani-lang organisasyon at makakurakot pa ng mas maraming pondo.
Sa kaloob-looban ng AFP-PNP ay isang nabubulok na organisasyong puno ng mga tunggalian, mga paksyon at sindikato na nag-aagawan sa pondo, rekurso at pribileheyo. Talamak ang korapsyon at mga anomalya sa mga pondo at pensyon ng mga retiradong sundalo at mga pasweldo sa mga elemento ng CAFGU.
Sangkot sila pagkalat at paglala ng iligal na droga sa probinsya at sa buong bansa. Mas lalong napatunayan ito sa panahon ni Alba-yalde at tumatagos hanggang sa pinakababa ang kinabulok ng organisasyon ng AFP-PNP. — KA TIPON GIL-AYAB, Spokesman of the NPA-Kalinga Lejo Cawilan Command