December 2, 2022

“Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam, at habang magkalayo, papalapit pa rin ang puso. Kahit na magkahiwalay, tayo ay magkasama, sa magkabilang dulo ng mundo” — awit ni Joey Ayala.
Ito ang huling awit ni Kidlat (ang panganay na anak ni Kidlat Tahimik) sa malawak na palasyong kristal sa Museo Nacional Centro de Arte Reina Sofía sa Madrid, Spain noong sila ay nagtatanggal ng exhibit.
Sa palasyong kristal ginanap ang matagumpay na exhibit ng kanyang tatay. Humila ito nang mahigit 400,000 na bisita sa loob lamang ng mahigit apat na buwan.
Malamang ay naiisip ni Kidlat ang kanyang butihing maybahay na si Lissa at mga anak na sina Kalinaw at Amihan.
Si Lissa Romero-de Guia ay isa ring tanyag na mag-aawit. Gumanap siya bilang si Kim sa Germany sa musical play na “Miss Saigon” na base sa istorya ni Madame Butterfly.
Paalam Kidlat. Katulad ng iyong pangalan, dumagundong ka din panandali, kumislap at nag-iwan ng mga alaalang ‘di basta malilimot. Sa iyong paglisan, ginulat mo ang iyong pamilya at ang mundo. Hanggang ngayon kami ay ‘di pa rin makapaniwala. Nagdadalamhati at naghihintay sa iyong pagbabalik.
Wari ko, ang mga iniwan mong alaala ay ang pagiging isang mapagmahal na asawa, mabuti at mapaglingkod na anak nina Kidlat Tahimik at Katrin at mga kapatid na sina Kawayan at Kabunyan. Sa dami ng mga magagandang alaalang iyong iniwan, sino ang makakalimot? Ang masayahing Kidlat na laging nakangiti at masarap kausap ay wala na. Ikaw ay isang henyo sa art, woven photography, at film editing. Pinagtatagpi at hinahabi mo ang dalawang larawan para bumuo ng isang konseptong kumikiliti sa isipan.

Farewell dear Kidlat. You left a void in your family. And though the pain and grief of losing you is beyond everyone’s comprehension, it was your time.
We will be here for Lissa and your children. There were so many good memories and stories your friends and family shared about you. There will be many more when your tatay, brothers, Nona and Anna bring your ashes home.
As they say, “Fly high” and watch over those who you left behind. Life has many surprises. It is short. Most of all, guide Lissa and your children. As we memorialized your ninth day, we lit candles and incenses.
According to Sam Tetrault, “lighting a candle is a simple, easy way to feel peace and connection. For many, this is a way to celebrate the life of a loved one while also reflecting on your own memories.”
Paalam Kidlat. Hanggang sa muling pagkikita. Kiss Lissa and your children with the wind. Rekindle their memories with the flowers and leaves in your garden. And wash away their tears with the rain. Thank you for the shower of leaves.